Vol. XXVI No. 51 | June 3, 2010 | Home | | Ad Rates | | Archives | | Feedback | | Why Read BM | | About Us |
 
Enhanced by Google.com

Letters to the Editor


Letters to the editor are welcome on this page. Only those with complete name, signature, contact number and return address for verification shall be considered for publication, subject to editing and space limitation when necessary
- Editor-in-Chief.


An nakaraang eleksyon

SA nakaraang halalan 2010 ay mataos puso kong binabati ang mga nahalal na puno nang bayang Pilipinas. At iyong namang natalo, ako’y nakikiramay sainyo. Ganuon talaga ang buhay sa pulitika, may talo may panalo. At sa pulitika, dito din ninyo mapapatunayan na ang sikat at salape ay mas panalo kaysa sikap at tiyaga. Ang sikat at salapi ay katulad nang hari at reyna na matamis na bumobulong sa teynga ng mga kambing, katulad sa isinulat na parabula nag aking sikat na manunulat na si Kristian Cordero.

        Itong halalan 2010 ang isang katakatakang karanasan sa buong Pilipinas. Dito natin muling napatunayan na karamihan sa mga Pilipino ay may kakulangan sa pag-iisip. Ang mga kilalang pangalan pa rin ang nahalal, kahit ito’y walang kaalaman o walang pakialam sa darating na panahon sa buhay nang mga pangkariniwang Pilipino. Ang dating unang ginang nang Pilipinas ay nahalal, ang nakaupong Pangulo ay nahalal, ang mga anak, inanakan, mang-aanak, na-anakan, ina-anakan, kamag-anak, mang-aanak, gustong ma-anakan ay nahalal. Anak nang tipaklong, kamuntik pang mahalal iyong pinalayas at nakulong na dating Pangulo. Itong halalan 2010, ay tunay na nilabasan at pinaghandaan nang lutong baboy. Sa parabula ni Cordero, sinulat niya na ang tao’y hindi lang nabubuhay sa mga salita, itong nakaraang halalan 2010, napatunayan na kapag ang mga sikat at may salapi ang nagsalita, kaunting sikap at tiyaga lang, mayroon ka nang nilaga.

        Ganyan talaga ang buhay nang Pilipino, katambal ay dusa, kabit ay ligaya.



        Manny.ilao@yahoo.com
        Vancouver, Canada




We always welcome contributions from our readers, subject to the editorial discretion and standards of the Bicol Mail.
-- Editor




























































































































































Copyright 2004-2010 Bicol Mail. All Rights Reserved.